Mga Prediksyon ni Madam Gladita

by PromdiBlogger on July 15, 2008

The magic ballMabilis ang pagsikat ni  Jucelino Nóbrega da Luz dahil sa kanyang mga prediksyon. Kaya’t naisip ko, ako kaya pwede ring manghula? Why not? Kahit sino naman ay may kakayahang manloko manghula. Kaya’t sinubukan kong mag-meditate sa harap ng bolang kristal at ako ay nagulat sa aking mga nakita.

1. Kailangang maghanda ang mga residente ng Iloilo at Aklan dahil magkakaroon ulit ng matinding pagbaha sa 2009. Babaha ng mga taong manonood ng Dinagyang at Ati-Atihan.

2. Buwan ng Agosto 2008. Mawawalan ng tubig ang buong Metro Manila na syang magiging sanhi ng matinding pagsabog. Oo, sasabog ng putok ang mga hindi makaligo.

3. Wala nang makakapigil sa pag-upo ni Neri bilang administrador ng SSS. Magkakaroon na naman ng isang scandal na kabibilangan ni Neri. Isang sex scandal ang kakalat sa internet. Ang ibig sabihin pala ng SSS ay Super Sex Scandal.

4. Patuloy pa ring tataas ang presyo ng gasolina, pamasahe at presyo ng bigas sa taong ito. Lahat na lang tataas maliban kay GMA.

5. Isang kahindikhindik na pangitain ang aking nakikita sa bolang kristal. Si GMA pa rin ang magiging pangulo ng Pilipinas pagkatapos ng 2010 eleksyon.

Oo, alam ko napaka-corny ko. Blog ko to, ano’ng pakialam nyo?

Creative Commons License photo credit: ckaroli

Related Articles

Related Posts with Thumbnails

{ 6 comments… read them below or add one }

Tikalon July 16, 2008 at 11:11 pm

Going Bulilit? Yong an is dat u? Haha

Reply

-Jap-Jap- July 17, 2008 at 9:25 pm

Hindi lola ni yong an yan,

Reply

-Jap-Jap- July 18, 2008 at 1:52 pm

sabi ko sa inyo lola sya ni yong-an eh!

Reply

Maldito July 20, 2008 at 10:24 am

pwde ka na sis…daw si madame auring eh..puno ng asim..yehey!!na predict mo ang dinagyang 2009!!!gadali na ko puli sis ya!ha ha ha….ma uba uba naman ta sa grandstand!!yahoo!!

sis,, namian ko sang looks sang page mo subong..rock oN!

Malditos last blog post..We had the right Love at the Wrong time

Reply

PromdiBlogger July 17, 2008 at 9:45 am

Hehehe…Ate ni Yong An to.

Reply

PromdiBlogger July 18, 2008 at 12:22 am

Hehehe…natawa ako sayo. Sige na nga, aaminin ko na. Lola nga ako ni Yong An.

Reply

Leave a Comment

Previous post:

Next post: